Saturday, January 3, 2015

"Nung December, Love! Love! Love! Give! Give! Give! Forgive! Forgive! Forgive! Tapos ngayong January na, Kanya kanya na naman? Bakit kaya ganyan tayo no? Sana kung di mo naman talga kayang pansinin eh di mo na pinansin dahl lang magpapasko na. Isa kang malaking SINUNGALING."      - Fr. Hans

Isang part lang yan ng homily nung nagsimba ako sa Quiapo pero yan talaga yung tumatak sa isip ko. Oo nga naman, bakit nga ba ganun? porket magpapasko magbabatian, magbibigayan, magpapansinan?E di niloko mo lang sarili mo sa ginawa mo.

Haaaayyyy... Ganto talaga siguro ang buhay di mo na talga alam kung ano yung totoo at pekeng pinapakita sayo ng isang tao. Sabi nga ni Ji Hoo ng Boys Over Flowers, "Kahit gaano mo na katagal kasama ang isang tao hinding hindi mo sya makikilala." Naniniwala na talaga ako sa sinabi nya, kasi kahit lima, walo, o sampung taon ko ng kasama ang isang tao, may malalaman at malalaman ka pa din sa kanya na hindi mo pa alam nung mga nakaraang taon na magkasama kayo. Kaya kapag may nagsasabing,"Hininga't utot mo alam ko na" di ako naniniwala , paano kung iba na pala yung kinakain nya? ppaano kapag iba na pala yung toothpaste o mouthwash na ginagamit nya? Makikilala mo pa din ba sya? Malalaman mo pa bang hininga nya yung naamoy mo? 

Klima nga nagbabago, tao pa kaya? Pero grabe lang talga ung mga taong anjan lang kapag kailangan ka kumbaga John Michael. Tapos kapag nakuha na nya yung kailangan nya, parang wala kayong pinagsamahan, hinuwho you ka na naman nya. Ang masaklap pa don, who you ka na nga wala, wala pang Thank You.

Naeexperience nyo rin ba yung ganrtong feeling o ako lang talaga yung ganto? Pero kung may kafeel ako dito, ano ginagawa nyo? Ako? Steady lang. Hinahayaan ko lang sya. Naaawa kasi ako sa kanya, kasi kapag iniwan ko pa sya at kelangan nya ng tulong e wala ng lalapit sa kanya dahil sa ganong ugali nya. Plastic? Hindi ah. Hindi ko naman sya kinukwentuhan eh, oo kinakausap ko sya pero kapag kelangan na kelangan lang lang, yung mga related lang sa ginagawa namain, at kapag natapos na, ako na agad yung umaalis, yung lumalayo kesa naman ipagsiksikan ko payung sa sarli sa taong ayaw na naman sakin e samantalng andami daming taong gustong makipag-usap, makipagkulitan at makipagkwentuhan sakin na alam kong hanggang dulo najanlag sila. N akapag may mali sakin sinasabi agad, kapag inis sakin, pinapakita agad at kapag may problema sinusulusyunan agad para di na magpatung-patong at lumaki pa.